Sunday, August 28, 2016

"Ang pagmamahalan ni JL at Ashley" 3

Bago matapos ang araw ng kaarawan ni Ashley ay ibinigay na ni JL ang botelya na puno ng sulat at sabay sabing "Andito lang ako palagi.". Inihatid na ni JL si Ashley sa kanilang bahay "Salamat JL sa araw na ito, sobrang saya ko dahil sa mga ginawa natin ngayon araw." sabi ni Ashley "JL salamat at tinupad mo ang pangako mo sa amin ng mama ni Ashley." sabi ng magulang ni Ashley kay JL. Pag uwi ni JL pagod na pagod sya kaya naman dumeretso na siya sa kanya kwarto at agad namang nakatulog, nanaginip siya at sa panaginip niya ay nandun si Ashley at may sinabi si Ashley "JL may sasabihin ako, matagal ko na itong itinatago MAHAL KITA." pagkatapos nun ay naging na si JL at dali daling bumangon sa kadahilanan na siya ay malalate sa siya sa pagpasok. Pagdating ni JL sa paaralan agad niyang nakita si Ashley dahil sinalubong siya nito, dahil dun sabay na silang pumasok sa kanilang room, masaya silang nagkukwentuhan habang naglalakad at biglang naalala ni JL ang paniginip niya sabay sabi kay Ashley "Ashley may napanaginipan ako kagabi at nadun ka sa panaginip ko may sinabi ka pa nun sa akin..." namula si Ashley dahil sa kanyang palagay sinabi niya sa panaginip na mahal nya si JL ngunit hindi sinabi ni JL ang tunay na napanaginipan niya, sinabi niya na "sinabi mo sa akin na maraming salamat dahil sa araw na ito napasaya mo ako ng sobra." gumaan ang pakiramdam ni Ashley ng marinig niya ang sinabi ni JL "ahh yun ba sinabi ko? tunay yun nagpapasalamat talaga ako sayo." sabi ni Ashley. Masaya ang araw nilang iyo dahil nagkwentuhan sila tungkol sa kanilang kabataan, naunang nagkwento si JL "alam mo ba Ashley noong bat ako mahilig ako maglaro sa labas ng bahay at dahil lagi akong dugyo pag uwi...","WAHAHAHAHA grabe ka naman makadugyot sa sarili mo",
" tunay naman kasi yun at dahil nga mahilig ako maglaro sa labas ng bahay hinabol ako dati ng aso at dahil sa kakatakbo ko nahulog ako sa kanal" sabi ni JL at saot naman ni Ashley

"WAHAHAHAHA seryoso ka ba na nagshoot ka sa kanal?"

"OO seryoso ako"

"HAHAHAHAH grabe di ka man lang ba tumitingin sa dinadaan mo habang tumatakbo?"

"Hindi, sa aso ako nakatingin baka kasi makakagat na ako di ko pa alam." natapos ang araw na iyon ng nagkukwentuhan silang dalawa.

Lumipas ang idalawang buwan at kaarawan na ni JL. Pumunta si Ashley sa bahay ni JL at sinabing "JL may regalo ako sayo."

"Regalo? wala namam ako nakikitang regalo ahh"

"Wait teka lang, ito na regalo ko sayo.May gusto ako sayo JL" sinabi ni Ashley na may gusto siya kay JL na namumula ang mukha bilang regalo. Nagulat si JL sa sinabi ni Ashley.




ITUTULOY SA SUNOD NA POST.
SMILE MORE

Saturday, August 27, 2016

"Ang pagmamahalan ni JL at Ashley" 2

At dahil sa nalaman ni Ashley hindi na naging kagaya ng dati pag magkasama sila, hindi na sila makapag usap ng maayos. Araw araw simula ng araw na yun lagi nalang tahimik si JL at si Ashley naman ay parang wala lang sa kanya yung sinabi ni JL kahit natuwa sya sa nlaman nya. Lumipas ang dalawang linggo at bumalik sa normal ang kanilang pagsasama araw araw pero minsan hindi magawang itago ni JL ang kanyang nararamdaman niya kay Ashley kaya naman minsan hindi maiwasan na maging awkward pag sila ay magkasama. Naghahanda si JL para sa parating na kaarawan ni Ashley, naghahanda si JL para araw na yun dahil gusto nya mapatunayan kay Ashley na seryoso sya sa kanyang nararamdaman, gumawa ng mga sulat si JL para kay Ashley at kanyang pinagsamasama  ang mga ito sa isang botelya at nilagayan niya nga sulat ang botelya "Basahin mo kapag malungkot ka, nandito lang ako palagi". Dumating na nga ang araw ng kaarawan ni Ashley at isinama ni JL si Ashley sa simbahan para sumimba at pag katapos nun pumunta sila sa bahay ni JL kasi dati sinabi ni Ashley na "JL gusto ko makita yung kapatid mo." kaya naman ginawa ni JL yun at pagdating nila sa bahay ni JL si Bryant kaagad yung sumalubong sa kanilang dalawa at sinabi ni Bryant na "kuya sya ba yung sinasabi mo na magandang babae na nakilala ng prinsepeng sawi dun sa kinwento mo sa akin?" "Hindi sya yun Bryant.story lang yun.", Masaya si Ashley dahil nakita nya na yung kapatid ni JL at dahil nga nagpunta silang dalawa sa bahay nila JL nakita din ni Ashley mga magulang ni JL at nung makita naman ng magulang ni JL si Ashley " Anak sya ba yung babarng nagugustuhan mo? Maganda sya at mukhang mabait din." "Pa! ano ga? kumain na ba kayo?" hindi sinagot ni JL ang tanong papa nya. Buong araw na iyon magkasama si JL at Ashley at buong araw din niya inaalagaan at binabantayan si Ashley dahil yun ang pangako nya sa magulang ni Ashley nung magpaalam sya sa magulang ni Ashley.


ITUTULOY SA SUNOD NA POST

Friday, August 26, 2016

"Ang pagmamahalan ni JL at Ashley"

Nagumpisa ang nararamdaman ni JL kay Ashley nung una silang nagkasayaw sa prom ngunit walang lakas ng loob si JL para sabihin kay Ashley ang kanyang nararamdaman. Lumipas ang isang linggo matapos ang araw ng prom at nagtagpo ulit sila ngunit hindi nagawang kasusapin ni JL si  Ashley dahil inakala niya na boyfriend ni Ashley ang kasama niyang lalaki kaya naman ang ginawa nalamang ni JL ay ang batiin sa si Ashley ng "HI". Sa sunod na araw nagkita ulit silang dalawa at sa pagkakataong ito nakapag usap na sila, at sabay silang kumain ng lunch ng araw na yun at dahil sa pangyayaring iyo naging magkaibigan sila at patuloy pa din itinatago ni JL ang kanyang nararamdaman kay Ashley. Simula noon araw araw na silang magkasama at unti-unti na nagkakagusto si Ashley kay JL. Isang araw hindi nakita ni Ashley si JL buong araw at nagtaka siya kung bakit wala si JL at pagdating ng sunod na araw nagkita na ulit sila ni JL at tinanong siya ni Ashley "JL bakit wala ka kahapon?" sagot naman ni JL"kahapon kasi ay mayroon akong inasikasong bagay". Patuloy pa din ang kanilang pag kikita araw araw sa school at dahil dun nagkaroon na ng lakas ng loob si JL na sabihin kay Ashley ang kanyang nararamdaman "Ashley may sasabihin ako sa'yo, may gusto ako sa'yo sumula nung una kitang makita." hindi nakaimik si Ashley dahil sa sinabi ni JL.


ITUTULOY SA SUSUNOD NA POST

Sunday, August 7, 2016

Tomorrow is our first day of school and a new journey of being a high school student. GOODLUCK! to all students who's going to start their first day of school tomorrow. SMILE MORE :)