Friday, August 26, 2016

"Ang pagmamahalan ni JL at Ashley"

Nagumpisa ang nararamdaman ni JL kay Ashley nung una silang nagkasayaw sa prom ngunit walang lakas ng loob si JL para sabihin kay Ashley ang kanyang nararamdaman. Lumipas ang isang linggo matapos ang araw ng prom at nagtagpo ulit sila ngunit hindi nagawang kasusapin ni JL si  Ashley dahil inakala niya na boyfriend ni Ashley ang kasama niyang lalaki kaya naman ang ginawa nalamang ni JL ay ang batiin sa si Ashley ng "HI". Sa sunod na araw nagkita ulit silang dalawa at sa pagkakataong ito nakapag usap na sila, at sabay silang kumain ng lunch ng araw na yun at dahil sa pangyayaring iyo naging magkaibigan sila at patuloy pa din itinatago ni JL ang kanyang nararamdaman kay Ashley. Simula noon araw araw na silang magkasama at unti-unti na nagkakagusto si Ashley kay JL. Isang araw hindi nakita ni Ashley si JL buong araw at nagtaka siya kung bakit wala si JL at pagdating ng sunod na araw nagkita na ulit sila ni JL at tinanong siya ni Ashley "JL bakit wala ka kahapon?" sagot naman ni JL"kahapon kasi ay mayroon akong inasikasong bagay". Patuloy pa din ang kanilang pag kikita araw araw sa school at dahil dun nagkaroon na ng lakas ng loob si JL na sabihin kay Ashley ang kanyang nararamdaman "Ashley may sasabihin ako sa'yo, may gusto ako sa'yo sumula nung una kitang makita." hindi nakaimik si Ashley dahil sa sinabi ni JL.


ITUTULOY SA SUSUNOD NA POST

No comments:

Post a Comment