At dahil sa nalaman ni Ashley hindi na naging kagaya ng dati pag magkasama sila, hindi na sila makapag usap ng maayos. Araw araw simula ng araw na yun lagi nalang tahimik si JL at si Ashley naman ay parang wala lang sa kanya yung sinabi ni JL kahit natuwa sya sa nlaman nya. Lumipas ang dalawang linggo at bumalik sa normal ang kanilang pagsasama araw araw pero minsan hindi magawang itago ni JL ang kanyang nararamdaman niya kay Ashley kaya naman minsan hindi maiwasan na maging awkward pag sila ay magkasama. Naghahanda si JL para sa parating na kaarawan ni Ashley, naghahanda si JL para araw na yun dahil gusto nya mapatunayan kay Ashley na seryoso sya sa kanyang nararamdaman, gumawa ng mga sulat si JL para kay Ashley at kanyang pinagsamasama ang mga ito sa isang botelya at nilagayan niya nga sulat ang botelya "Basahin mo kapag malungkot ka, nandito lang ako palagi". Dumating na nga ang araw ng kaarawan ni Ashley at isinama ni JL si Ashley sa simbahan para sumimba at pag katapos nun pumunta sila sa bahay ni JL kasi dati sinabi ni Ashley na "JL gusto ko makita yung kapatid mo." kaya naman ginawa ni JL yun at pagdating nila sa bahay ni JL si Bryant kaagad yung sumalubong sa kanilang dalawa at sinabi ni Bryant na "kuya sya ba yung sinasabi mo na magandang babae na nakilala ng prinsepeng sawi dun sa kinwento mo sa akin?" "Hindi sya yun Bryant.story lang yun.", Masaya si Ashley dahil nakita nya na yung kapatid ni JL at dahil nga nagpunta silang dalawa sa bahay nila JL nakita din ni Ashley mga magulang ni JL at nung makita naman ng magulang ni JL si Ashley " Anak sya ba yung babarng nagugustuhan mo? Maganda sya at mukhang mabait din." "Pa! ano ga? kumain na ba kayo?" hindi sinagot ni JL ang tanong papa nya. Buong araw na iyon magkasama si JL at Ashley at buong araw din niya inaalagaan at binabantayan si Ashley dahil yun ang pangako nya sa magulang ni Ashley nung magpaalam sya sa magulang ni Ashley.
ITUTULOY SA SUNOD NA POST
No comments:
Post a Comment